Ano Ang Nais Ipahiwatig Ng Mga Kasangkapan Sa Pisikal Ng Naka Susi Sa Loob Ng Eskaparate

Ano ang Nais ipahiwatig ng mga kasangkapan sa pisikal ng Naka susi sa loob ng Eskaparate

Kasangkapan na Nakasusi sa Loob ng Eskaparate

Pahiwatig:

Kapag ang isang kagamitan ay nakasusi sa loob ng isang eskaparate nangangahulugan lamang ito na ang kagamitang iyon ay labis na iniingatan ay lubhang mahalaga. Tulad na lamang ng mga alahas na ipinagbibili sa mga mall o mga tindahan ng alahas. Sapagkat ang mga ito ay may kamahalan at maaaring maisanla sa oras ng kagipitan, ito ay inilalagay sa mga eskaparateng de susi upang hindi basta basta mananakaw ninuman. Ito ay hindi maaaring hawakan ng basta basta ninuman at kinakailangang bantayan sa tuwing ito ay titignan bago bilhin ng sinumang interesado dito.

Ang ilan pang mga gamit na makikita sa loob ng eskaparateng de susi ay yaong mga artifacts na ipinapakita o idinidisplay sa mga exhibits. Sapagkat ang mga ito ay meron ding mataas na halaga dulot ng kalumaan at pagiging antigo nito, hindi ito basta basta binubuksan sa publiko upang mahawakan. Maging ang mga personal nating kagamitan ay inilalagay din natin sa eskaparateng de susi upang ingatan ito at hindi basta basta makuha ninuman. Kung minsan, ang pagpapahalaga natin sa mga bagay na iyon ay kinukumpara pa natin sa ating buhay. Minsan pa ay itinuturing natin ito na mas mahalaga pa kaysa sa buhay natin.


Comments

Popular posts from this blog

Can You Imagine Living Without Television, Phone, Radio And Any Other Tool For Information And Communication?

Nona Is One-Third As Old As Her Mother. Five Years Ago, She Was Only One Fifth Of The Age Of Her Mother. How Old Is Nona Now

What Changes (Temperature And Kinetic Energy) Takes Place In The Melting Process?